Mga proyektong pabahay para sa OFWs, inaprubahan ng DHSUD bago ang Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang OFW Party-list para sa posibleng mga proyektong pabahay para sa mga modernong bayani ng bansa o OFWs.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at OFW Party-list Representative Marissa Magsino na magbibigay daan para sa kolaborasyon sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang pagpirma ay ginawa isang araw bago ang paggunita ng Labor Day o Araw ng Paggawa.

Pinuri ni Acuzar ang malaking kontribusyon ng mga OFW bilang “mga bagong bayani” sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa, kaya’t kasama sila bilang mga potensyal na benepisyaryo ng pabahay program ng gobyerno.

Tiniyak nito sa OFW Party-list na ang DHSUD, bilang pangunahing ahensya ng gobyerno sa pamamahala ng pabahay, human settlements at urban development, ay patuloy na magtatrabaho sa paghahatid ng mandato nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us