Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente at mangagawa sa lugar na magpabakuna at booster shot kontra COVID-19.
Base sa pinakahuling datos 851,563 ang bakunang naiturok na sa kanilang lungsod.
Ayon sa datos ng City Health Department, 29 ang nadagdag sa mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pasay City.
Dahil dito umakyat na sa 31,612 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 54 naman ang aktibong kaso. | ulat ni Don King Zarate