Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga nasa gobyerno din ang dahilan kung bakit hindi ganap na masawata ang problema hinggil sa iligal na droga.
Maaaring ito sabi ng Pangulo, ay nasa hanay ng law enforcement gaya ng pulis at maaari din namang mga taong nasa pamahalaan.
Hindi ang mga nasa lansangan gaya ng pusher o nagtutulak ang nagpapatakbo ng drug operation sabi ng pangulo kaya ang kanilang pinupuntirya aniya nila ay ang mga nasa pamahalaan mismo.
Kanila na aniyang sinisimulan ito sa hanay ng mga nasa law enforcement na siyang dapat na nakatutok sa nabanggit na problema.
Nangangahulugan lang ayon sa pangulo na kung hindi bumubuti ang estado ng drug problem sa bansa ay kasingkahulugan ito na hindi nagagawa ng ilan ang kanilang trabaho. | ulat ni Alvin Baltazar