MIAA at Meralco, inumpisahan na ang electrical audit sa NAIA Terminal 3 hinggil sa nangyaring power outage nitong May 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-umpisa na ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Manila Electric Company (Meralco) ng electrical audit sa sa NAIA Terminal 3 dahil sa nangyaring power outage sa naturang terminal.

Ayon kay MIAA Officer in Charge Bryan Co, tatagal ang naturang audit ng tatlong linggo kung saan kanilang titingnan ang electrical components kung kinakailangan nang palitan ang ilan sa components nito.

Dagdag pa ni Co, nais din nilang bumili o ‘di kaya naman ay magrenta ng karagdagang generator sets upang makadagdag sa power supply ng naturang terminal upang hindi na muli maulit ang naturang insidente.

Muli namang siniguro ni Co na hindi maaapektuhan ang mga biyahe sa NAIA Terminal 3 habang nagsasagawa ito ng manual auditing. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us