Hiniling ng Manila International Airport Authority o MIAA ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko sa tuwing isasailalim sa Lightning Red Alert ang Ninoy Aquino International Aiport o NAIA.
Ito’y makaraang makatanggap ng reklamo mula sa mga pasahero ang MIAA dahil sa 2 oras na tigil operasyon sa NAIA kahapon makaraang magtaas ng Lightning Red Alert ang PAGASA kahapon.
Ayon kay MIAA Officer-In-Charge Bryan Co, 2012 pa sila nagpapatupad ng ganitong panuntunan lalo na sa tuwing nakararanas ng masamang panahon ang mga paliparan.
Paliwanag pa ni Co, bagaman may mga nakalagay na 20 lightning arresters at 4 na lightning shelters ang buong paliparan, nais pa rin nilang masiguro na ligtas ang kanilang mga tauhan gayundin naman ang mga pasahero nito.
Maliban aniya sa NAIA, nagpapatupad din aniya ng kahalintulad na panuntunan ang mga paliparan sa iba’t ibang bansa tulad ng Australia, Brunei, at Hong Kong. | ulat ni Jaymark Dagala