MIAA, muling naglabas ng flight cancellations ngayong umaga hinggil sa pagpasok ng Bagyong Betty sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas muli ng abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA ng flight cancellations ngayong umaga dahil sa sama ng panahon sa ilang flight destinations dulot ni bagyong Betty sa bansa.

As of 7:54 ng umaga kanselado ang biyahe ng Philippine Airlines flights PR2932/2933 Manila – Basco – Manila at PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila.

Kanselado rin ang tatlong flights ng Cebu Pacific, ito ang flights 5J 196/197: Manila – Cauayan – Manila; 5J 404/405: Manila – Laoag – Manila; 5J 504/505: Manila-Tuguegarao – Manila; at flight 5J 506/507: Manila – Tuguegarao – Manila.

Kabilang sa nakanselang flights ng Ceb Go ang flight DG 6177/6178: Manila – Masbate – Manila.

Ayon sa MIAA, ang naturang flight cancellation ay bunsod ng pagpasok ni bagyong Betty sa bansa kaya karamihan sa biyaheng patungong Northern Luzon ay nakansela para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Abiso naman ng MIAA sa publiko na makipag-unayan na sa airline companies para sa possibleng refund at rebooking ng kanilang mga ticket. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us