MIAA naglabas ng abiso hinggil sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang publiko na palagiang sumubaybay sa kanilang facebook page.

Ito’y para sa mga pinakahuling ulat hinggil sa flight schedule ngayong araw na ito maging hanggang bukas, Mayo 30.

Nagpalabas kasi ng abiso ang MIAA na posibleng magbago ang flight schedule sa mga commercial flight bunsod na rin ng bagyong #BettyPH.

Una rito, aabot sa 14 na domestic flights ang kanselado ngayong araw bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng bagyo.

Kabilang na rito ang mga biyahe mula Maynila patungong Basco, Laoag, Tuguegarao, Cauayan, Masbate at pabalik.

Dahil dito, pinapayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero kaugnay sa naturang kanselasyon na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa mga pagbabago sa kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us