MIAA naglabas ng flight cancellations dahil sa patuloy na sama ng panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng kanselasyon sa flight destinations ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ngayong tanghali dahil sa sama ng panahon.

As of 11:50am, kanselado ang tatlong biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 857/858 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 773/774 Manila-Pagadian-Manila at 5J 631/632 Manila-Dumaguete-Manila.

Ayon sa MIAA, ang kanselasyon ng naturang flights ay dahil sa patuloy na sama ng panahon sa nasabing flight destinations.

Abiso naman ng MIAA sa publiko na makipag-ugnayan na sa naturang airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us