Militar at pulisya, pinuri sa pagkakahuli ng suspek sa pananambang kay Gov. Mamintal Adiong Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police sa matagumpay na pagkakahuli ng suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.

Ito’y matapos na maaresto sa checkpoint sa Sitio Morales, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato kahapon ng tanghali si Lomala Baratumo, alyas Commander Lomala.

Ang suspek, na nahaharap sa kasong murder, ay No.5 sa Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro at No. 1 Most Wanted Person ng Lanao del Sur.

Ayon kay MGen. Rillera, patunay ito na naging epektibo ang inilatag na mga checkpoint upang mahuli ang suspek na ilang buwan ding minanmanan ng mga awtoridad.

Ang suspek ay itinurn-over ng South Cotabato Provincial Police Office sa Lanao del Sur Provincial Police Office para sa kaukulang disposisyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: 6ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us