Mindoro solon, dismayado sa patuloy na delay sa pagkonekta ng Mindoro sa Luzon grid

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dismayado si Occidental Mindoro Representative Leody Tarriela sa kawalang aksyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hinggil sa pagkonekta ng Mindoro sa Luzon Grid.

Ayon sa mambabatas, 2011 pa ipinangako ng NGCP na maikabit ang Mindoro sa Luzon grid at humingi ng P11 billion na pondo, ngunit hindi ginawa.

Ikinagalit pa lalo ng mambabatas nang malaman na noong 2014 ay kumita ang NGCP ng halos P22 billion, ngunit sa halip na gamitin para sa proyekto ay pinaghatian umano ng stockholders ang nasa P24 billion na dibidendo.

Tinukoy pa ni Tarriela na batay sa record, June 2021 lang naghain ng aplikasyon ang NGCP sa Energy Regulatory Commission (ERC) para maipatupad ang Batangas-Mindoro interconnection project.

Dahil naman dito ay kinalampag ng kinatawan ang ERC, na agad aksyunan at aprubahan na ang application ng NGCP para maisakatuparan ang interconnection ng Mindoro sa Luzon Grid, na hindi lang aniya pakikinabangan ng kanilang probinsya ngunit maging ng katabing lalawigan ng Palawan.

“Sana ay aprubahan na ang petisyon ng ERC na isa’t kalahating taon na din na pending sa kanila. Baka kasi ang budget para dito ng NGCP ay madeklara na naman na dividends. Tapos ang pangakong interconnection ng Mindoro sa Luzon Grid, na pati ang Palawan ay makikinabang, ay manatiling isang pipe dream. Kung nagawa na ito noon pa, matagal na sanang nasolusyonan ang halos perpetual na brownouts sa aming probinsya.”ani Tarriela. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us