Naghahanda na ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng MMDA para sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ihahanda na nito ang kanilang disaster response units sa ‘areas of concern’ sa National Capital Region. Ito’y sa mga lugar ng Marikinas San Juan, Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na kapwa mga nasa low lying areas.
Kaugnay nito, kaninang umaga ay ininspeksyon ni Artes ang mga kagamitan na nakatakdang i-deploy sa inaasahang pagpasok ni bagyong Mawar sa bansa.
Samantala, nakatakda namang magpulong ngayong araw ang 17 alkalde ng National Capital Region kasama ng PAGASA para sa knilang magiging assessment ng pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio