Isinusulong ni Senador JV Ejerctio na gawing moderno at i-automize ang Bureau of Customs (BOC) para matugunan ang korapsyon sa ahensya.
Giit ni Ejerctio, sa pamamagitan ng automation ay maiiwasan ang pagmamanipula ng mga assessment officers ng halaga ng mga kalakal na pumapasok sa ating bansa.
Sinabi ng senador na nakatatanggap siya ng mga ulat na ang mga assessed value ng isang produktong ipinapasok sa Pilipinas ay nagkakaiba sa iba’t ibang mga pantalan.
Aniya, nagiging makapangyarihan kasi ang mga nasa intelligence at assessment services dahil sila ang nakapagdidikta ng halaga ng mga produktong pumapasok sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan ang mambabatas sa national governemnt na ipagpatuloy at bilisan ang modernization program ng BOC para matugunan ang mga pagkakaiba sa assessment ng mga produkto at nawala na ang human discretion sa proseso. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion