Apat na pasahero ang nagtamo ng minor injuries matapos paganahin ng MRT-3 ang emergency brake nito kaninang alas-9:08 ng umaga.
Sa inilabas na abiso ng MRT3 management, gumana ang automatic train protection (ATP) system o ang emergency brake para patigilin ang isang depektibong index o train car na patungong Boni station.
Matapos mapahinto ay agad itong sinuri ng mga on-board technicians at napagana rin bandang 9:16 a.m.
Sa ngayon ay inalis na muna sa linya ang tren at dinala sa depot para isailalim sa troubleshooting ng maintenance provider.
Humingi naman ng paumanhin si DOTR Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino sa mga naapektuhang pasahero ng insidente.
Agad rin naman aniyang natugunan ng emergency medical technicians (EMTs) ang mga nasugatang pasahero.
Sa ngayon, normal na ang operasyon ng buong linya ng MRT3. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: MRT