Itinutulak ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Free Trade Agreement sa pagitan ng European Union at Pilipinas.
Ito ang mensahe ni Diokno sa ginanap na European-Philippine Business Dialogue sa Manila na dinaluhan ng mga business leaders and government officials.
Aniya, ang “geo-economic fragmentation and trade protectionism” ay pabigat lamang sa hamon na kinahaharap ng global economy sa ngayon kaya napapanahon ng isakatupatan ang FTA agreement.
Ang EU ay ang major trade and investment partner ng Pilipinas kung saan anya nakikinabang ang bansa sa malawak na market access kaya nagpataas ng ating export rate.
Prinisinta rin ng kalihim ang kahandaan ng bansa bilang investment destination.
Kanyang ibinahagi ang latest accomplishments and policies sa naturang event sa pag-asang makaengganyo ng European trade and investment na makatutulong sa bansa bilang investment destination. | ulat ni Melany Valdoz Reyes