Naganap na data breach sa ilang ahensya ng pamahalaan, pinasisiyasat sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara upang imbestigahan ang naganap umanong ‘data breach’ sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Salig sa House Resolution 931, inaatasan ang House Committee on Information and Communications Technology na magkasa ng investigation “in aid of legislation” sa napaulat na data breach sa records ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Internal Revenue, Special Action Force Operations Management Division, at Civil Service Commission.

Matatandaan na batay sa ulat ng cybersecurity research company na VPNMentor, 1.2 million na personal records ang nakompromiso.

Ngunit sa naging paglilinaw ng Department of Information and Communications Technology o DICT, wala anilang naging hacking sa sistema ng naturang mga ahensya

Magkagayonman, naniniwala ang mga mambabatas na mahalagang masilip ng Kongreso ang usapin lalo at may kahalintulad nang pangyayari noon sa COMELEC na binansagang “Comeleak”. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us