Nagpanggap na Government Employee, naharang sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) ang isang 43 na taong gulang na babae matapos magpakita ng pekeng travel authority.

Nabatid na ang naturang babae na hindi muna pinangalanan ay biktima pala ng human trafficking na papaalis sana patungong Singapore.

Batay sa ulat ng Bureau of Immigration Travel Control and Enforcement Unit, nagpakita ng travel authority ang biktima nang dumaan ito sa Immigration counter sa NAIA Terminal 1 na kalauna’y napatunayang peke.

Kinakailangan ang travel authority ng sinumang kawani ng pamahalaan kung lalabas sila ng bansa para sa anumang kadahilanan ng kanilang biyahe.

Inamin ng biktima, na ni-recruit siya ng kaniyang kaibigan at nakikipag-ugnayan lamang sa kaniya sa pamamagitan ng text message.

Nagbayad na umano ito ng P15,000 na ipinadala sa electronic payment app, at inutusan pa siya nito na burahin ang lahat ng kanilang pag-uusap.

Natanggap ng biktima ang kaniyang mga travel document ilang sandali bago ang kaniyang pag-alis kung saan, sinabi nito na ang tunay niyang destinasyon ay patungong Dubai kung saan siya pinangakuan ng trabaho.

Dahil dito, dinala ang biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon gayundin ang pagsasampa ng kaso laban sa kaniyang recruiter. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us