Nagdesisyon ang Kamara na i-adopt ang Senate version ng Maharlika Investment Fund (MIF) upang mabigyang pagkakataon ang Ehekutibo na masimulang bumuo ng implementing rules ang regulations (IRR), at tuluyang maging ganap na batas pagsapit ng ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na bahagi ng House bicam panel.
Kasabay nito ay tiniyak niya sa publiko na ang isusumiteng bersyon ng MIF sa tanggapan ng Pangulo ay hindi gagalawin ang pension fund ng SSS, GSIS, PhilHealth at PAG-IBIG Fund.
Ipinagpasalamat din ni Salceda, na napanatili sa raratipikahang bersyon ang accountability at transparency safeguard gaya ng auditing, risk management at joint oversight na pawang nakapaloob sa House version ng MIF.
Umaasa naman ang mambabatas, na ikonsidera ng Ehekutibo sa pagbuo ng implementing rules and regulations ang pagpapahintulot sa multilateral financing institutions na maging bahagi ng kapital ng MIF.
Gayundin ang probisyon para sa listing sa stock market.
Magkagayonman may reservation ang economist solon sa requirement ng regular dividends mula sa MIF. | ulat ni Kathleen Forbes