Nasunog na PhilIDs sa Manila Central Post Office, papalitan ng PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na lahat ng PhilIDs na naapektuhan ng sunog sa Manila Central Post Office ay kanilang papalitan.

Sinabi ni Claire Dennis Map, Undersecretary ng National Statistician at Civil Registrar General, na wala silang sisingiling karagdagang gastos sa mga rehistradong indibidwal, kasunod ng mga protocol na itinakda ng PSA para sa mga ganitong sitwasyon.

Batay sa inisyal na impormasyon na ibinigay ng PHLPost, tanging mga PhilID para sa delivery sa Lungsod ng Maynila ang naapektuhan ng sunog.

Nakikipagtulungan na ang PSA sa PHLPost upang matukoy ang bilang ng mga PhilID na apektado.

Nilinaw din ng PSA, na ang PhilIDs na idedeliber ng PHLPost ay inayos at  nakaimbak sa PHLPost Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, at di apektado ng sunog. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us