National Security Council, dapat umano isali sa pag-aaral sa kasunduan ng EDCA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni dating Senador Francisco Tatad kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-convene ang National Security Council upang muling mapag-aralan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Sinabi pa ng dating senador na hindi pa huli ang lahat para irekonsidera ng pangulo ang kaniyang posisyon dahil sa June 2024 pa mapapaso ang kasunduan sa EDCA.

Malinaw umano na paglabag sa saligang batas ang EDCA na nagtatakda na ang presensya ng US military sa bansa ay hindi isang tratado.

Sa tanong na idineklara na ng Korte Suprema na naayon sa batas ang EDCA, sinabi ni Tatad na mainam na muling may kumuwestyon dito.

Mas magiging masahol pa raw ang EDCA dahil wala nang katapusan ang presensya ng US military sa bansa.

Naniniwala ang dating senador na higit na magdadala ito ng panganib sa bansa dahil sa girian ng US at China.

Si Tatad ay kabilang noon sa mga senador na pumirma para sa pagpapatalsik ng US Military bases sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us