National Tourism Development Plan for 2023-2028, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Tourism Development Plan 2023-2028, sa katatapos lamang na sectoral meeting sa Malacañang, ngayong araw (May 16).

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, isa lamang ito sa mga programa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, na layong palakasin ang domestic tourism ng bansa bilang pagkilala sa papel na ginagampanan nito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas.

“What our fellow Filipinos can expect, is that mabibigyan po ng pagkakataon yung ating mga kababayan na magkaroon ng tourism employment sa pamamagitan ng pag-develop natin ng tourism circuits and to continue to push for tourism across our regions and provinces.” —Secretary Frasco

Magiging katuwang aniya nila ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para dito, upang tugunan ang mga usaping nagiging hadlang sa tourism development ng bansa.

“We are very excited to launch in a few short weeks the Philippine Experience which gives our fellow Filipinos an opportunity to experience not just our destinations but also reintroduce them to the heart and soul of the Filipinos through our festivals, our food and the like.” — Secretary Frasco

Nakapaloob sa plano ang gagawing pagtutok ng pamahalaan sa development ng tourism infrastructure, connectivity, at digitalization.

Isinumite na ng DOT ang listahan ng 94 na tourism sites sa Department of Information and Communications Technology (DICT), para sa paglalagay ng internet connectivity sa lugar.

Kabilang rin sa plano ang pag-promote at pagpapaigting ng kabuang tourism experience ng mga bumibisita sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us