NCR, itinaas na sa “Alert Level Bravo” dahil sa bagyong #BettyPH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa “Alert Level Bravo” o Moderate Risk ang National Capital Region.

Ginawa ito ng MMDRRMC matapos ang kanilang ginawang pre-disaster risk assessment meeting para sa bagyong #BettyPH.

Batay sa taya ng PAGASA at Environmental Management Bureau (EMB), nasa 50mm na ulan ang ibabagsak ng bagyo, 24 oras sa loob ng tatlong araw kaya’t kinakailanganing mag-upgrade ng protocol.

Nakaantabay na ang lahat ng rescue personnel at equipment ng MMDA gaya ng fiberglass boats, aluminum boats, rubber boats, life vest, iba pang equipment, rescue vehicles, at military trucks kung sakaling kailanganin ng tulong ng mga lokal na pamahalaan ng NCR.

Sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman at concurrent MMDRRMC Chairperson Atty. Don Artes, patuloy na ang ginagawang monitoring at koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa paghahanda sa bagyo.

Nakatakdang magpulong muli ngayong araw ang MMDRRMC para sa latest developments ng bagyo.

Hindi lamang galaw ng bagyo ang binabantayan ng PAGASA kung hindi pati ang epekto nito sa habagat na posibleng magdulot ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us