Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President sa mga market vendors ng Pritill Market sa Tondo, Manila na nasunog nitong nakaraang April.
Umabot sa 650 vendors ang nabigyan ng tulong pinansyal na magkakahalaga ng ₱3,000 sa ilalim ng pakikipag-partnership ng Department of Social Walfare And Development (DSWD) sa ilaliman ng Assistance to Individuals ing Crisis Situation AICS program.
Ayon Barangay Chairman Antonio Asilio, karamihan sa mga market vendor na lubhang naapektuhan ng naturang sunog, ay nasa labas na ng palengke at nasa kalsada na nagtitinda para magpatuloy sa kanilang hanapbuhay.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng market vendors ng Pritil Market sa pagtulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanila dahil sa nangyaring trahedya sa kanilng hanapbuhay. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio