Office of the Vice President, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa daan-daang pamilyang mabiktima ng malaking sunog sa Cavite kamakailan.

Sa pangunguna ng Disaster Operation Center, namahagi ang OVP ng relief boxes sa kabuuang 2,924 indibidwal o 731 pamilyang mula sa tatlong brgy na natupok ng sunog.

Laman ng bawat relief box ang sleeping mats, kumot, kulambo, hygiene kits gaya ng alcohol, at face masks at iba pang sanitary items.

Pansamantala ngayong nanunuluyan sa Ladislao Diwa Elementary School at Biblical Church of Christ ang mga nasunugang pamilya.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us