P49.3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Parañaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P49,300,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City at Parañaque City.

Sa Caloocan City, narekober ang 3.8kg ng shabu na nagkakahalaga ng P25,840,000 mula sa mga suspect na sina Edgardo Vargas at Lenard Buenaventura.

Nahulihan din sila ng isang baril na kargado ng mga bala.

Sa Parañaque City, nakumpiska ang higit 3.4kg ng shabu na may halagang P23,460,000 mula sa suspect na si Jonnie Romo.

Mahaharap ang lahat ng mga inaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us