Nanguna ang Philippine Red Cross sa distribusyon ng certificates of occupancy sa mga benepisiyaryo ng Full Shelter Assistance project na sinalanta ng Super Typhoon Odette sa Bohol.
Ang konstruksyon ng proyekto ay nagkakahalaga ng 25.9 million pesos na sinimulan noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ayon sa PRC, sinuportahan ito ng ng Embassy of the Republic of Korea, Kuwait Red Crescent, Singapore Red Cross at partners mula sa mga pribadong sektor.
Bukod sa shelter assistance, nagkaloob ang PRC ng health assistance, suplay ng tubig, relief items, pagkain at psychological support sa mga biktima ng bagyong Odette.
Paliwanag ni PRC Secretary General Gwen Pang, layon ng FSA na magbigay ng matibay, ligtas at komportableng pabahay sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dulot ng bagyo.
Tiniyak naman ni PRC Chairman Richard Gordon na mananatili silang committed sa misyong tugunan ang paghihirap ng ‘vulnerable communities’ sa lalawigan hanggang tuluyang makabangon. | ulat ni Hajji Kaamiño