Nakipagpulong ang Pag-IBIG Mutual Fund sa BillionBricks company na nakabase sa Singapore para magsagawa ng mura at de kalidad na papabahay para sa mga Pilipino.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Operating Officer Marline Acosta na maganda ang magiging layunin ng naturang kumpanya mula sa Singapore na magbibigay ng abot-kayang pabahay sa kanilang mga miyembro ng Pag-IBIG.
Dagdag pa ni Acosta na mas maraming mga kababayan nating nasa lower income level ang mabibiyayaan ng naturang pabahay.
Ayon naman kay BillionBricks Co-Founder at CEO na Prasoon Kumar, makakaasa ang Pag-IBIG Fund na mas de kalidad at mura ang hatid nilang pa bahay sa mamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio