Pagbabaklas-plaka ng mga nahuhuling sasakyan, mahigpit na ipinagbabawal — LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalala ng Land Transportation Office na mahigpit ng ipinagbabawal sa mga law enforcer at deputized agent ang magkumpiska ng plaka ng mga nahuhuling sasakyan o ang tinatawag na baklas-plaka.

Pahayag ito ni LTO Chief Jay Art Tugade sa gitna ng mga reklamo ng publiko hinggil sa pagtatanggal ng plaka ng mga sasakyang nasasangkot sa paglabag sa batas-trapiko.

Alinsunod sa kautusan ni Tugade na maaari lamang isailalim sa alarma ang driver’s license, student permit, o ang sasakyan kung hindi agad maipapataw o mababayaran ang kaukulang multa sa hinuling drayber o sasakyan.

Binigyang-diin nito na hindi dapat baklasin ang mga plaka kung hindi ma-impound ang mga nahuling sasakyan.

Pagtiyak pa ni Tugade sa publiko na ang central command center ng ahensya ay maagap na makapaghahatid ng impormasyon sa mga tauhan nito sa lansangan hinggil sa mga nakaalarmang sasakyan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us