Pagbabalik ng mandatory face mask policy, pinauubaya ni Sen. Go sa mga eksperto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinauubaya na ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga eksperto kung gagawin bang muli na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Go, dapat pag-aralang mabuti ito ng mga eksperto.

Giit ng senador, dapat laging science-based ang pagtugon natin sa pandemya.

Pero kung sakali aniya ay hindi naman tutol ang mambabatas kung imamandatong muli ang pagsusuot ng face mask.

Aniya, mas protektado kung nakasuot nito lalo’t hindi natin alam kung sino sa mga nakakasalamuha natin ang may dalang sakit.

Paalala pa ni Go, umiiral pa rin ang COVID-19 pandemic kaya dapat pa ring mag-ingat.

Binigyang diin ding muli ng senador na magpabakuna at magpaturok na ng booster shot kontra COVID-19 virus. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us