Pasado na sa House Committee on Housing and Urban Development ang unnumbered substitute bill at committee report nito para sa programang magbibigay ayuda sa mga informal settler families (ISFs).
Sa ilalim ng panukala, ang mga ISF ay bibigyan ng rental subsidy oras na sila ay ma-displace dahil sa natural o man-made disasters.
Nilalayon ng panukala na matugunan ang pangangailangan ng ISF para sa kanilang temporary relocation.
Pangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng P3,500 rental subsidy para sa mga kwalipikadong ISF sa Metro Manila.
Makakatuwang naman ng ahensya ang National Economic and Development Authority (NEDA) para naman sa rate o halaga para sa mga nakatira sa ibang rehiyon.
Kasabay nito ay lusot na rin sa komite ang panukala na mag-aatas sa mga pagkakaroon ng information and communications technology (ICT) infrastructure and facilities sa mga subdivision at housing development. | ulat ni Kathleen Forbes