Pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., malaki ang benepisyo sa labor sector — TUCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa malaking benepisyong nag-aabang sa labor sector matapos ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sa isang presser, nagpasalamat ang TUCP sa pagsisikap ni Pangulong Marcos na maitulak ang mga inisyatibo para magkaroon ng maraming disenteng trabaho ang mga Pilipino.

Tinukoy rin ng TUCP ang landmark US-PH Labor Working Group na anila ay mahalagang hakbang sa pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa.

Kabilang rito ang karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa ng unyon at matiyak na mapapakinggan ang kanilang mga boses bilang manggagawa.

Para sa TUCP, ‘whole package’ ang bitbit ng Pangulo para sa labor sector.

Una nang iniulat ng Pangulong Marcos na aabot sa $1.3 bilyong investment pledges at 6,700 trabaho ang inani ng Pilipinas mula sa kanyang official visit sa Amerika. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us