Aprubado na sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na layong magtatag ng isang agriculture information system.
Sa ilalim ng HB 7942 o Agriculture Information System (AIS) Bill, ang lahat ng lungsod at bayan sa buong bansa ay aatasan na magkaroon ng agriculture database kung saan nakasaad ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa agricultural at fisheries production data.
Sa pamamagitan nito ay mas madaling matutukoy at maiuugnay ang mga magsasaka at mangingisda sa local at global markets.
Ang Department of Agriculture ang mangunguna sa pagbuo at pag-merge ng iba’t ibang agricultural data.
Positibo naman ang House leadership na sa pamamagitan nag AIS ay mas matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura gamit ang iba’t ibang impormasyon makakalap sa naturang database.
“House Bill (HB) No. 7942, if enacted, could pave the way for the full development of the agriculture sector and the attainment of national food security through data-driven science and technology, planning and distribution of resources.” ayon kay Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes