Pagbuo ng tracker team sa Senado na susubaybay sa pagpapatupad ng mga proyekto ng mga ahensya ng gobyerno, ikinokonsidera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplano ni Senate President Juan Miguel Zubiri na bumuo ng isang tanggapan sa Senado, na tututok sa pagbusisi sa pagpapatupad ng mga proyekto ng mga ahensya ng gobyerno na pinondohan ng Kongreso.

Ang pahayag na ito ni Zubiri ay kasunod ng pagsisiwalat ni Senador Raffy Tulfo ng mga proyekto ng National Irrigation Administration (NIA) na hindi pa natatapos at hindi pa nasisimulan.

Ayon sa Senate President, magiging pangunahing tungkulin ng bubuuing tanggapan na magkaroon ng tracker team para bumusisi sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Matutulungan aniya nito ang Kongreso, na matukoy ang absorptive capacity ng isang ahensya upang maging batayan ng ibibigay na pondo sa isang ahensya, at sa pagbuo ng pambansang budget.

Binigyang diin ni Zubiri, na kung makikita sa pagsusuri na hindi pa nagagawa ng mga ahensya ang mga proyektong pinaglaanan ng pondo ay dapat aniyang hindi na sila bigyan ng dagdag na pondo o maaari pang mabawasan sila ng paglalaanang pondo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us