Pagbuo ng US-Philippine Labor Working Group, suportado ni Deputy Speaker Mendoza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza ang planong pagtatatag ng United States-Philippine Labor Working Group sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon sa kongresista, malaking bagay ang paghahayag nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden ng kanilang pagkilala sa labor rights kabilang na ang kalayaan sa pagbuo ng mga asosasyon o grupo.

Naniniwala si Mendoza na sa pamamagitan ng US-Philippine Labor Working Group ay mas mabibigyang prayoridad ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa mga ilalatag na economic at labor policies ng administrasyon.

Sa paraang ito, tunay aniyang mapakikinabangan ng mga manggagawang Pilipino ang mga investment at employment potential na naikasa sa official working visit ni PBBM sa US.

“The TUCP believes that with this US-Philippine Labor Working Group, a dialogue with President Marcos and the Philippine labor movement is ripe to place workers’ rights and welfare front and center of the Marcos Administration’s labor and economic policies.  Let us not waste the investment and employment potential of our US-Philippines special friendship and alliance. We trust our trade relations will be founded on advancing human rights so that workers can freely and safely organize without any prior restraint,” diin ni Deputy Speaker Mendoza.

Binati rin ni Mendoza ang aniya’y game changing na mga kasunduang na naselyuhan ng Pilipinas at US.

Tunay aniya na ang mga kasunduang ito ay magpapasigla pa lalo sa ekonomiya ng Pilipinas at itutulak ang bansa bilang bagong foreign direct investment hub.

“The Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) lauds the total and complete package of guarantees brought about by the Marcos-Biden meeting. This is a game-changing and pivotal development—a rocket booster—to revive our economy and situate the Philippines as the new preferred foreign direct investment (FDI) hub. This special US-Philippines friendship and alliance affirms Philippine sovereignty through the ‘iron-clad’ security pact and brings in key investments for renewables, mineral resources, solar energy, nuclear power, electric vehicles, green transition, food security, and other infrastructure,” dagdag ng mambabatas.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us