Pinangunahan ng pamunuan ng PAGCOR ang groundbreaking ceremony ng basketball court-type multi-purpose evacuation center (MPEC) sa Misamis Oriental.
Ang naturang aktibidad ang pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng 12.7 million worth na istraktura para sa Barangay Cabubuhan na matagal nang nagdurusa sa epekto ng mga kalamidad.
Ayon kay PAGCOR Corporate Social Responsibility Group Vice President Ramon Stephen Villaflor – malaki ang maitutulong ng naturang evacuation center sa lugar lalo na sa oras na magkaroon ng hindi magandang pangyayari sa mga susunod na panahon.
Ayon naman kay Magsaysay Municipal Mayor Charlie Buhisan malaking benepisyo ang makukuha ng nasa mahigit 40,000 residente sa lugar lalo na at madalas nilang problema ang epekto ng iba’t ibang kalamidad sa kanilang lugar.
Todo pasalamat din ang alkalde sa PAGCOR dahil sa itatayong evacuation center. | ulat ni Lorenz Tanjoco
?; PAGCOR