Isinusulong ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee na maideklara ng Kongreso ang Verde Island Passage o VIP bilang isang “protected area.”
Ang Verde Island Passage o VIP ay sentro ng “marine biodiversity” ng mundo, at tahanan ng higit sa 300 coral species, 170 na uri ng mga isda, at libo-libong marine organisms.
Ang VIP ay kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang oil spill kasunod ng pagkakalubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ang VIP ay mahalagang “biodiversity” at importante ito sa mga mamayan na nakatira sa karatig probinsya.
Maaalalang nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas at Marinduque para sa lehislasyon upang maging protected area ang VIP. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes