Maaari nang matalakay sa plenaryo ang panukala na magsusulong sa paggamit ng digital payment sa mga financial transaction sa gobyerno at lahat ng negosyo.
Ito’y matapos aprubahan at iendorso ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 8252 o Promotion of Digital Payment Bill.
Sa ilalim nito, lahat ng ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporations, at lokal na pamahalaan ay dapat gumamit ng ligtas at maasahang electronic o digital payment system.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) naman ang mangunguna sa paggawa ng national quick response (QR) code standard upang maging magkakapareho ang gagamiting sistema at hindi na kailangan pang gumawa ng magkakaibang account ng publiko.
Inaatasan din ang BSP na palakasin ang financial at digital literacy, at proteksyon ng mga customer upang tumaas ang tiwala sa digital payment. | ulat ni Kathleen Jean Forbes