Paggamit ng nuclear energy, kinakailangan na — PNRI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang-kailangan na ayon sa Philippine Nuclear Research Institute na gumamit ng enerhiyang pang- nukleyar ang bansa sa harap ng hindi na magandang energy status ng Pilipinas.

Sa Laging Handa Public briefing, ipinaliwanag ni PNRI Executive Director Carlo Arcilla na 50% ng enerhiya sa bansa ay umaasa sa coal na kung saan, 90% sa pangangailangan sa coal ay iniaasa natin sa Indonesia na masyado nangg mahal ang pagbebenta.

20% naman ay iniaasa natin sa Malapamya na ayon kay Arcilla ay papaubos na din kaya’t wala na aniyang choice kundi gumamit na ng nuclear energy na ligtas naman kung tutuusing gamitin.

Sa katunayan, nasa 450 na mga bansa sa buong mundo ang gumagamit ng nuclear power at sa kaso ng US ay nasa 20 percent ng kanilang source of energy nila ay nuclear.

Kung hindi aniya ligtas ito ay hindi mangangahas ang US at iba pang bansa na gumamit ng nuclear energy.

Dagdag ni Arcilla,masyado na ding pahirap ang taas ng kuryente sa mamamayan na kung saan, 15 percent sa expenses ng bawat household ay iginugugol sa bayarin sa kuryente gayung kapag gumamit ng nuclear energy, magiging 1 percent na lang ang ilalaan sa gastusin ng bawat kabahayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us