Nakaalerto na ang Philippine Red Cross habang papalapit na ang Super Typhoon Mawar sa bansa na tinawag nang bagyong Betty.
Pinulong ni PRC Chairman Dick Gordon ang mga chapter administrator upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa logistics at manpower.
Pagtitiyak pa ni Gordon na aktibo na ang PRC sa paghahanda at monitoring sa rehiyon sa Northern Luzon na inaasahan ang anumang potensyal na kinakailangan para sa pagtugon at tulong.
Bilang pagsunod sa kanilang pre-disaster guidelines, lahat ng PRC volunteer at personnel ay nananatiling naka-standby, ganap na handa, habang ang mga asset at equipment ay sumailalim sa masusing inspection at strategic placement. | ulat ni Rey Ferrer