Umabot na sa kabuuang 83,619 na food at non-food items ang nakalatag na sa 16 na regional at satellite warehouses ng DSWD Field Office 1 sa Northern Luzon.
Ang mga hakbang na ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay bahagi pa rin ng preparasyon sa maaaring maging epekto ng bagyong #BettyPH.
Huling inihatid sa DSWD Field Office 1 sa Vigan City, Ilocos Sur Satellite Warehouse ang karagdagang 500 family food packs.
Sa ngayon, mayroon nang 3,078 food at non-food items ang nakaimbak sa Ilocos Sur Satellite Warehouse na handa nang ipamahagi sa maaapektuhan ng bagyo. | ulat ni Rey Ferrer