Pagkaantala sa pagpapatayo ng mga Inclusive Learning Resource Center of Learners with Disabilities, pinuna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ni House Committee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo ang pansin ng Department of Education (DepEd) kung bakit may delay sa pagpapatupad ng batas na magpapatayo ng Inclusive Learning Resource Center of Learners with Disabilities (ILRC).

Matatandaan na ang naturang batas ay pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 2022 kung saan gagawa ng “roadmap” ang DepEd kung saang lugar dapat may ILRC.

Maliban dito, sinita din ng kinatawan ang kawalan pa rin ng implementing rules and regulations o IRR para rito.

Tugon naman ng DepEd, ipinatutupad naman nila ang batas kahit wala pa ang aprubadong IRR.

Target din anilang tapusin ang IRR sa loob ng taong ito.

Layon ng pagtatayo ng mga ILRC na matiyak na ang mga mag-aaral na may “disabilities” o kapansanan ay may sapat na access sa edukasyon at kaugnay na serbisyo.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us