Pagkakaroon ng direktang linya sa pagitan ng PH at China, pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasakatuparan ng direktang linya ng komunikasyon sa pagitan nila ni President Xi Jinping at ng kapwa foreign affairs secretary ng Pilipinas at China.

Pahayag ito ng pangulo kasunod ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal o iyong muntik na banggaan sa pagitan ng Chinese Coast Guard (CCG) at Philippine Coast Guard (PCG), nitong ika-23 ng Abril.

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na nakausap na niya ang side ng China, lalo’t delikado aniya ang pinakahuling insidenteng ito.

Sinabi ng pangulo ang mga ganitong insidente ang nais sanang maiwasan ng pamahalaan.

Base sa kaniyang pakikipag-usap sa China, inaayos na ng Beijing ang team na tututok sa direktang komunikasyon na ito, upang mas maging madali at malinaw para sa dalawang bansa ang pag-uusap sa mga ganitong insidente.

Kaugnay nito, muling ipinunto ng pangulo na kailangan maging malinaw ang fishing rights sa lugar, kasabay ng pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mangingisda.

Inatasan aniya niya ang PCG at Department of Foreign Affairs (DFA) na bumalangkas ng mapa, kaugnay sa fishing grounds, at ipababatid ng pamahalaan sa China kung alin ang teritoryo ng Pilipinas.

“I mean, of course, the overall priority is to safeguard our maritime territory but the — when you go down into the details, the most immediate, let’s say, concern are the fishing rights. So that’s what we have to do. That’s what we have to decide and they have agreed again to sit down. I’ve asked the Coast Guard and the DFA to put together perhaps a map of these fishing grounds that — sasabihin natin, ito Pilipinas talaga ito and we’ll see what they say when we give them our proposal.” —Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, sumang-ayon ang China na upuan at muling matalakay ang usaping ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us