Pagkakatalaga kay Sec. Gatchalian bilang chair ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, welcome sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakatalaga ni Secretary Rex Gatchalian bilang chairperson ng re-organized Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Kasunod ito ng pag-isyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 27 para sa muling pagbuo ng Inter-Agency Task Force para muling tuldukan ang kagutuman sa bansa.

Ayon sa DSWD, sa pagkakatalaga ni Sec. Gatchalian sa naturang Task Force, masisigurong magiging responsive at epektibo ang mga polisiya at inisyatibo para sa pagkamit ng zero hunger sa bansa.

Kaugnay nito, kasama naman sa mga programang itinutulak ng DSWD para tugunan ang problema sa kagutuman ay ang pagpapatupad ng digital food stamps.

Layon ng programa na bigyan ng food stamps ang nasa isang milyong mahihirap na pamilyang walang access sa masustansyang pagkain.

“Sa halip na pipila kayo dati o mag-aabang ng relief goods although kahit naka-pre-position na ‘yan, ngayon po bibigyan na natin ng laya iyong mga kababayan natin sa tulong ng food stamps. With the help of our partner merchandise at mga suppliers ay maaari na nilang kuhain doon sa mga ka-tie up natin na supermarket iyong kanilang mga pangangailangan. Food stamp na lang po ang kanilang dala-dala,” pahayag ni Assistant Secretary Rommel Lopez.

Sa kasalukuyan ay nasa proseso na ang DSWD para agad nang maipatupad ang proyekto.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us