Tututukan ng PNP ang pagkalat ng party drugs tulad ng ecstacy ngayong summer vacation sa mga popular na bakasyunan, concert at mga bar.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, kasama ito sa mga aktibong mino-monitor ng PNP sa kanilang Oplan Summer Vacation (SUMVAC).
Paliwanag ni Maranan, batay sa kanilang datos nagiging malakas ang bentahan ng party drugs sa panahong ito, kung saan ang mga kabataan ang mga nabibiktima.
Samantala, sinabi rin ni Maranan na palalakasin nila ang intelligence gathering para matunton ang mga supplier ng party drugs.
Matatandaang limang kabataan ang namatay sa isang concert sa MOA matapos mag-over dose sa party drugs noong March 22, 2016. | ulat ni Leo Sarne