Pagkamatay ng pulis sa buy bust ops sa Bataan kahapon, ipinagluluksa ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga naulila ni PCpl. Darnel Alfonso, na nasawi sa buy-bust operation kahapon sa Bataan.

Sa isang statement, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan ang tulong ng PNP sa pamilya ng magiting na pulis.

Isang kabayanihan umano ang ginawa ni Alfonso na magsisilbing inspirasyon para iba nilang mga miyembro.

Minamadali na umano ng PNP ang pag-release ng financial assistance at benefits para sa mga naulila ni Alfonso.

Habang medical assistance naman ang ipagkakaloob kina Police Major Dennis Duran at PSSG Glenn Salac na nasugatan sa operasyon, at kasalukuyang nagpapagaling.

Nabatid na sa naturang operasyon, dalawang suspek ang nasawi matapos ang engkwentro. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us