Pagkuha ng seniors at PWD bilang empleyado at pagrepaso sa Solo Parent Act, ilan sa mga panukalang nais isulong ni Rep. Erwin Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalinya na ang mga panukalang batas na nais isulong ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo.

Ngayong araw ay sinilip ni Tulfo ang kaniyang magiging opisina sa Kamara, at inaasahan na makikipagkita rin muli kay House Majority Leader Mannix Dalipe para sa ilang briefer.

Sinamantala na rin ng bagong mambabatas na makaharap ang House media.

Dito sinabi niya na nasa 120 na panukalang batas ang kaniyang nais isulong na karamihan ay nakatuon sa poverty alleviation.

Isa na aniya rito ang panukala para himukin ang mga pribadong kumpanya na kumuha ng PWD at senior citizen bilang empleyado.

Sa kaniya aniyang karanasan bilang DSWD secretary, marami sa mga PWD at senior ang nagsasabi na nais pa nilang magtrabaho.

Malaking tulong na aniya kung ang isang kumpanya ay maglalaan ng limang porsiyento ng kanilang workforce para sa mga PWD at senior.

Nais rin ng kinatawan na repasuhin ang Solo Parent Act.

Aniya, nagkakaroon ng problema ang mga 5th at 6th class municipalities sa pagpapatupad nito dahil sa limitadong pondo. Batay kasi sa batas, ang local government unit ang magbibigay ng P1,000 monthly subsidy para sa single parent. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us