Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Prayoridad ng Department of Human Settlements and Urban Development ang ‘informal settler families’ na naninirahan sa mga danger zone na mabigyan ng matitirhan sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan.

Ito ang iginiit ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasunod ng nangyaring insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila nang gumuho ang mga bahay na ikinasawi ng tatlong indibidwal.

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kailangang

unahin ang mga mamamayang mahihirap na mabigyan ng pabahay lalo na ang mga nakatira sa danger zones.

Sa ilalim aniya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program, nakaplano na ang implementasyon ng mga praktikal na solusyon na isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto ng pag-unlad.

Target ng programa na magtayo at magbigay ng isang milyong housing units kada taon hanggang 2028 upang matugunan ang housing gap ng bansa na 6.5 million units. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us