Pagpapalakas ng edukasyon at trabaho, ipinangako ng Japan gov’t

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaan ng Japan gayundin ng Japan International Cooperation Agency o JICA na tutulong ito sa pagpapalakas ng edukasyon at trabaho sa Pilipinas.

Ito ang kapwa inihayag nila Japan Minister for Health, Labour, and Welfare Katsunobu Kato at JICA Representative Sakamoto Takema matapos ang ginawa nilang courtesy call kay Vice President Sara Duterte sa Mandaluyong City.

Ayon kay Minister Kato, malaki ang pangangailangan ng Japan para sa mas maraming nurse para magtrabaho sa Japan sa ilalim ng Philippines – Japan Economic Partnership Agreement.

Aniya, nasa 54.7 percent ng mga Filipino caregivers na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa mula noong Marso na siyang pinakamataas sa nakalipas na 10 taon.

Gayunman, sinabi ni Minister Kato kahit ang mga hindi nakapasa sa pagsusulit ay maaari pa ring manatili sa Japan at mabibigyan ng pagkakataong kumuha muli ng pagsusulit.

Sa panig naman ng JICA, inilatag ni Takema ang mga nakalinya nilang proyekto para sa mga mag-aaral, guro at opisyal ng DepED. | ulat ni Jaymark Dagala

?:OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us