Pagpapalakas sa kapangyarihan ng Intellectual Property Office of the PH, pasado na sa ikatlong pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang palakasin ang kapangyarihan at tungkulin ng Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHIL.

Aamyendahan ng House Bill 7600 ang kasalukuyang Intellectual Property Code of the Philippines upang magkaroon ng tamang implementasyon ng intellectual property, at mapigilan ang infringement o paglabag bago pa man ito maging viral lalo at nasa digital age na tayo.

Batay sa panukala, papahintulutan ang awtoridad na ipa-block sa “internet service providers” ang websites na naglalaman ng “pirated contents.”

Ang IPOPHIL din ang tatanggap ng mga reklamo at petisyon para alisin ang mga “infringed content” na ipinost “online” o magsagawa ng “site blocking.”

Mayroong limang araw ang IPOPHIL para magpasya ukol sa reklamo, at matapos nito ay mayroong 48-oras para i-atas ang pagpapa-block sa internet site.

Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng administrative fines na ₱100,000 hanggang ₱1-million at dagdag na ₱10,000 kada araw ng pagpapatuloy sa paglabag.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us