Pagpapaliban ng BSKE sa Negros Oriental, suportado ni Dumaguete Mayor Remollo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor si Dumaguete City Mayor Felipe Remollo sa mungkahing ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng Barangay at SK elections sa lalawigan ng Negros Oriental.

Sa pandesal forum, sinabi ni Mayor Remollo na mas mainam kung iurong muna ng 2-3 buwan ang eleksyon sa lalawigan mula sa nakatakdang iskedyul sa October 30, 2023.

Sa ngayon ay hindi pa kase aniya lubos na humuhupa ang tensyon sa lalawigan.

Ayon sa alkalde, baka magresulta sa kaguluhan at election-related violence kung matutuloy ang halalan sa lalawigan sa Oktubre lalo na at mas mainit aniya ang politika kapag pinag-uusapan ang halalan sa barangay.

Para sa alkalde, maaaring magkaroon ng special elections sa Negros Oriental na tututukan ng Comelec at DILG.

Una nang ipinanawagan ni Sen. Francis Tolentino sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagpapaliban ng eleksyon sa Negros Oriental dahil sa nakakabahalang political atmosphere kasunod ng naging pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us