Pagpapataw ng parusa sa electronic violence laban sa mga kababaihan, kabataan, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 272 ay pasado na sa 3rd at final reading sa Kamara ang panukalang magpapalawig sa saklaw ng violence against women and children.

Aamyendahan ng House Bill 8009 o Expanded Anti-Violence Against Women and their Children (E-VAWC) Act ang kasalukuyang RA 9262 upang ituring na pang-aabuso sa kababaihan at mga bata ang porma ng karahasan gamit ang teknolohiya tulad ng stalking, pangha-harass sa text messages at chat, at pagkuha at pagpapakalat ng video o paggawa ng pekeng social media account para siraan ang asawa o ka-partner

Sakali naman na ang biktima ay migrant worker o kanilang anak, ang ating embahada o foreign service ang aatasan na magbigay ng access sa legal, medical at social services habang sila ay nasa host country at sa kasagsagan ng repatriation.

Oras na maging ganap na batas, nasa ₱300,000 hanggang ₱500,000 ang maaaring ipataw na multa para sa E-VAWC bukod pa sa pagkakakulong.

Obligado naman ang mga internet service provider na agad i-take down o burahin ang naturang electronic violence at kung hindi makikipagtulungan sa awtoridad ay ituturing na obstruction of justice.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us